Grenfell Communications Tagalog
Overview
Pangkalahatang-ideya
Ang Ministry of Housing, Communities, and Local Government (MHCLG) ay ang kagawaran ng Pamahalaan na nangunguna sa pagtugon sa trahedyang naganap sa Grenfell Tower. Kami ay:
- Nangunguna sa pagtugon ng Pamahalaan sa Grenfell Tower Inquiry, at nagsusumikap na mapabuti ang kaligtasan sa mga gusali, kaligtasan sa sunog, at mas malawak na reporma.
- May pananagutan sa pagbabahagi ng impormasyon at mga update, at sa pagkakaroon ng bukas na pag-uusap sa lahat ng naapektuhan ng trahedyang naganap sa Grenfell Tower.
- Sumusuporta sa Deputy Prime Minister at sa Fire and Building Safety Minister sa kanilang ugnayan sa komunidad ng Grenfell.
- Sumusuporta sa independiyenteng Grenfell Tower Memorial Commission sa kanilang gawain na magtakda ng isang nararapat at pangmatagalang memorial na pagpapasyahan ng komunidad.
- Nagsusumikap na matiyak na maririnig ng buong Pamahalaan ang boses ng komunidad ng Grenfell sa mga isyung mahalaga sa inyo.
- Nakikipagtulungan sa iba’t ibang ahensya ng Pamahalaan, sa lokal na konseho, lokal na mga serbisyo ng NHS, at iba pa upang matiyak na makakakuha kayo ng suportang kailangan ninyo.
- Namamahala sa lugar ng Grenfell Tower nang ligtas at may seguridad, tinitiyak na lahat ng gawain ay isinasagawa nang may paggalang at pag-iingat, at nakikipag-ugnayan sa komunidad sa bawat hakbang ng proseso, kabilang ang:
- Buwanang mga update tungkol sa site na inilalathala sa Gov.uk
- Mga update para sa komunidad tungkol sa mahahalagang isyu
- Mga ulat at impormasyon na inilalathala sa GOV.UK
Oras ng pagsagot
Bukas ang form ng feedback sa buong tag-init, at regular naming rerepasuhin ang mga sagot mo. Makakatulong ang iyong mga pananaw sa pagpaplano ng aming mga komunikasyon para sa Taglagas at sa mga susunod pang panahon.
Why your views matter
Kung bakit mahalaga ang pananaw ninyo
Nakatuon ang Pamahalaan sa pagbibigay ng suporta sa komunidad ng Grenfell ngayon at sa pangmatagalang panahon.
Nais naming marinig mismo mula sa inyo kung paano ninyo nais tumanggap ng mga update tungkol sa aming mga ginagawa bilang tugon sa trahedya at sa pagtugon sa inyong mga prayoridad at alalahanin.
Kung bahagi ka ng komunidad ng Grenfell—bilang isang naulilang miyembro ng pamilya, nakaligtas, o residente sa mismong komunidad—pakisuyong ibahagi ang iyong pananaw sa pamamagitan ng aming maikling feedback form sa link sa ibaba.
Share
Share on Twitter Share on Facebook